Thursday, May 17, 2012

GULONG NG BUHAY


(Active Notes from the Past #2)


Ikot, ikot, ikot...
Taas, baba. Taas, baba...



MORNING


Jollibee breakfast joy bangus with B. Then Nathan, then Luji.

Then, puro rejections sa calls.Yung nagYES pa sa kin yung di ko tinawagan.

May 5 guests na ko sa wellness expo tapos nkbenta ng 5 femwash partner ko. Good.



NOON


Masaya yung lunch, kwentuhan. Kakaibang lunch kasi first time ko with the people kanina.



AFTERNOON


Happy ako hanggang sa humingi ng 400 ang taxi after nya mai-load ang 18 boxes ng wine bottles. Napagtaasan ko talaga ng boses si manong. Ayoko magbigay ng 400 na 250 lang naman dapat (P50 tip included). Pinababa nya ako at pinagbayad pa nung nasa metro! Grabe...



Then may tumulong sa kin na mama na mukhang adik kung ijjudge mo, pero mabait pala. Ayaw tanggapin P20. Binigay ko yung half bar Lindt chocolate.



Mabait na din yung next taxi, nagkwento ng buhay nya at gusto bumili ng wine, binigyan pa ko discount cards sa laffline.



Tapos hirap naman kumuha ng bus na magdadala ng bottles. Ang tagal magdecide ng mga dispatcher, ang mahal ng singil, ang iba ayaw talaga.



Hanggang sa may konduktor na nag-offer, naawa siguro pero double pa din ang singil from the usual.



Buti na lang hindi ako gumawa ng eksena. Kasi pagkatapos maikarga ang mga kahon, may lumapit sa kin, sabi "Ma'am Verna?"-- isa sa mga trainees ko sa Marsha's Ilocos. Panalo sa liit ng mundo...



Tapos masakit na paa ko. Nakatayo sa mrt to the point na naupo na ko sa floor ng train.



Pero hindi pwede na umuwi ng hindi masaya... I know the perfect person to call.



NIGHT- 


Nagkita tayo. Badtrip ka kasi pinapauwi ka maaga.



Natunaw bigla yung topak ko pagkakita sa pagka-irita mo.



Umorder tayo, excited para sa pinaputok na pla-pla. 20 minutes later,saka sinabi na out of stock pala! Sumakit ang tyan kakahintay sa wala. Nabusog naman kahit papano.



Tumawa sa word na "werd" (weird), sa dahilang nakalimutan ko na. (A, naalala ko na, yung bag inspection papalabas ng RCBC!)



Nag ice cream ng pinilit na cream cheese at mister chips, tumawa sa "Misis", ok na. Parang tayong dalawa lang ang masaya.



Kung iisipin ko bakit nangyari lahat yun o kung san nanggaling ang mga ganun, mas nakakaloka.

Ganun lang talaga, may up may down. Minsan nga lang nakakaloka na sobrang bilis ng up and down. Ganun talaga, walang dahilan.



One time life gives us shit, another time it gives us good. Then it gives us shit again, then good. Almost in equal proportion.



What matters is what we focus upon. I choose to focus on the good but i will not know it if there was no bad.



I wouldn't be able to appreciate sweet if I haven't tasted bitter. I would appreciate joy if I haven't experienced sadness.



So I appreciate both.



I'm grateful for an experience of life in a day and for that one person, who, in ways so subtle almost unintentionally, manages to shift my mood and lift me up. 


-Verna

No comments:

Post a Comment