Saturday, July 2, 2011

How's Your Day, Bombay? Mine Went Like This... JULY 1

Hindi ko pa nga natatapos isulat yung first half assessment ko sa taong eto, pero parang gusto ng magsimula ng 2nd half ng taon. Actually bakit naman hindi eh July 1 nga naman kanina.

Anyway, after spending my 'biglaang mandatory leave' this week due to my cornea ulcers i went to BPI Head Office to meet up with my volleyball teamates kasi we have a courtesy call sa President. So ayun took the MRT at ang sarap sumakay ng 9am kasi hindi buwis-buhay ang pagsakay ng tren. Relatively peaceful ang mga Uruk Hai sa Cubao Station. At hindi ako pawisan masyado pagdating ko sa Ayala Loop Terminal kasi konti lang ang kahati ko sa aircon ng MRT!

I rode the jeepney and i heard my celphone ringing. Looked at it and it was our VP and Compliance Officer. Hmm... I rarely answer phones when i'm travelling with strangers. I don't know why siguro kasi i have tendency to fine tune my speaking voice to a paminta-ish tone! It annoys me to be forced to do that! Actually wala naman nagfforce sa akin..automatic lang na ganun. So hindi ko sinagot at tinurn ko lang upside down ang phone ko..at viola..automatic na nag-silent siya! SHAMELESS PLUGGING! Ang cute ng HTC noh?? Ganun siya. Try niyo HTC Phones if you want a breath of fresh air!

So after i ignored my boss' call ulit for the second time i decided to text him na i can't answer the phone kasi nasa jeep ako. Sabi ko i'll just go there to your office kasi i'm on my way to BPI na rin naman. Sabi niya Good! I need to talk to you. Hmm.. Ten-Ten Munoz just waived her hand at me! Anu naman kaya yun? Hindi ko naman kasalanan na mabulag ako di ba? Hindi ko naman ginusto na i-abandon ang post ko ng month end ng mid year! Pero medyo kampante naman ako na mag-Delia Razon kasi pula pulahan pa naman yung mata ko so may ebidensya ako na nabulag ako. At kung hindi man siya maniwala ipapabasa ko sa kanya yung isa ko pang blog. Kitang-kita doon na nabulag nga ako. PAK!

I got into BPI HO and went straight to HR kasi that's where our team will meet.. Pwede ba huwag ko na ikwento ang part na ito kasi malamang isusulat ko lang dito na ang cute ni Jeff, Kenneth, Kiko. So walang bago di ba? Siguro i-mention ko na lang na nagBarrio Fiesta kami at nilamangan ko silang lahat sa Crispy Pata. So sweet of me noh??

To make the story na pinipilit pahabain short, after just 6 months of being the head of collections, they are appointing me to head our whole operations group. To be honest hindi ko alam talaga kung natuwa or natutuwa or nalungkot or nalulungkot ako sa development na ito. Siguro kasi may mga plans na ako for my 2nd half ng taon at pwedeing maging sagabal ang promotion na ito. Siguro natutuwa din ako kasi nagbunga rin ang pagiging pakialamera at bibo ko sa ops. Kasi hindi naman sa pagyayabang, maraming trabaho ng ibang tao ang inaako ko. Pati pag-aalaga at pag-iinitndi sa mga staff na hindi sa akin. Kaya ayan. Bilang ganti sa pagiging mapapel ko kung dati apat na staff lang ang taong hawak ko ngayon meron na akong 3 officer at mahigit 20 na staff. Shet. Baka hindi na talaga matuloy ang lovelife ko this year.

Dahil sa mga pangyayaring ito napatunayan ko na sa taong ito ang lahat ng tardy mappromote! Ayaw mo maniwala? Maniwala ka dahil nung June 30 napromote si Jervin. Tapos napromote din ako. Nagdududa ka pa? Btw Jervin, hindi kita tinatry i-upstage ha. Coincidence lang. Hahahaha.

Kumain pala ako sa Peri Peri kanina sa Megamall kasama si Kenneth at Jeff. Hindi ako masyado impressed sa chicken pero feeling ko matutuwa kayo sa unlimited soup at drinks. Maraming choices ng soup at ng drinks! Try niyo i think worth it naman ang experience. Kaya lang like all all-you-can type of restaurants, i sense na mataas ang probability na ma-baboy ito ng mga PG2000 people. Oo yung mga patay-gutom or mga hoarders sa mga buffet. Shet naaalala ko ang Causeway. Babuyan to the max!

So ayun lang. July 1. Ops Head na ako. Sana hindi pa ito ang birthday gift sa akin kasi ang corny naman ng dagdag na trabaho as birthday gift di ba? Sakit sa bangs!

Good night, everyone! 

-abbey 


3 comments:

  1. Hello Abbey!

    Gusto ko yung "Uruk Hai sa Cubao Station". haha.

    New word: Delia Razon. haha.

    Congrats sa promotion mo!

    By the way, kelan mag-visit sa house sila Jeff, Kenneth, at Kiko?haha

    verna

    ReplyDelete
  2. Oh! I'll try to invite you to one of our tea tea nights sa Maginhawa. Hopefully soon because Jeff is leaving na for Singapore.

    I haven't told you about them pala. BPI Teamates. Ohmilord! i never invited you pala to our games! My bad! =(

    -abbey

    ReplyDelete
  3. like yeah.. :( i haven't seen you dive and spike no.

    gusto ko yun, tea nights. just not so late. bawal sa dugo. haha.

    looking forward to meet your tea-mates.

    -verna

    ReplyDelete